Lamesa

Sa lamesa, una naming pinagsaluhan

Iyaka’t tawanan sa plato ng hapunan

Tunog ng mga kubyertos tila’y nagsasayawan

Pagsasama-sama ng pamilya sa bawat kainan.

 

Sa Diyos, kami’y nananalig

Nawa’y panatiliin ang pag-ibig

Sa aming diwa’y manaig, sa tiyan ay busugin

Pagmamahala’t pagkakaisa naming panalangin.

 

Sa harap din nito, nabuluna’t natuto

Masasarap na pagkain ng aming inang niluluto

Sermon ni amang naging mga panghimagas

Sa aming puso’t isipan hinding-hindi kukupas.

 

Nagpapasalama’t nagagalak

Kaibiga’y naging sandalan sa baso ng alak

Walang humpay na kwentuhan

Kahit umaga nang inabutan.

 
Ala-ala ng lahat mula pagkabata

Dito naka-ukit, nanatili sa panlasa ng dila’t mga mata

Kahit sa unang paghakbang, naging alalay

Isang kahoy, na pinagbuklod ang maraming buhay.

Author: WomanlyWisdomination

Femme Fatale 👑

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s